Sa paanyaya ng Singgapore Business Federation, idinaos kahapon, Miyerkules, ika-17 ng Abril 2019, ng Embahada ng Tsina sa Singapore, ang talakayan para isalaysay sa mga kinatawan mula sa sirkulo ng komersyo ng Singapore, ang hinggil sa bagong binalangkas na Batas sa Pamumuhunang Dayuhan ng Tsina, at kapaligirang pang-negosyo ng bansa.
Sinabi rin ng mga embassy staff, na laging aktibong lumalahok ang mga kompanya ng Singapore sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng Tsina, at masigla ang kooperasyon ng dalawang bansa sa aspekto ng pamumuhunan. Ipinahayag nila ang pag-asang sasamantalahin ng mas maraming kompanya ng Singapore ang pagkakataong dulot ng pagpapairal ng naturang batas at pagpapalabas ng pamahalaang Tsino ng mga patakarang preperensyal sa puhunang dayuhan, para patuloy na dagdagan ang pamumuhunan sa Tsina.
Salin: Liu Kai