Ayon sa Xinhua News Agency, ipinadala Huwebes, ika-18 ng Abril, ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa hari ng Bahrain na si Hamad Bin Isa Al-Khalifa para sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi, na nitong tatlumpung taon matapos maitatag ang diplomatikong relasyon ng Tsina't Bahrain, patuloy na lumalakas ang pagtutulungan at lumalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Umuunlad aniya ang relasyon ng dalawang panig at nagtagumpay ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Xi, na dapat pahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Bahrain. Ani Xi, magsisikap siya, kasama ni Hamad upang maisulong ang pagtutulungan ng Tsina at Bahrain sa iba't ibang larangan at magpahatid ng kabutihan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Tsina't Bahrain, at "Belt and Road Initiative".
Sinabi ni Hamad, na pinahahalagahan ng Bahrain ang matibay na pakikipagkaibigan sa Tsina at kapaki-pakinabang na pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Patuloy aniyang magsisikap ang Bahrain na palalimin at paunlarin ang relasyon ng dalawang bansa.
Sa araw na iyon, nagpadala rin ng mensahe si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Khalifa Bin Salman Al-Khalifa ng Bahrain bilang pambati sa naturang okasyon.
Salin: Sylvia