Qingdao, Lalawigang Shandong ng Tsina—Dumalo Martes, Abril 23, 2019 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa paradang militar sa dagat bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng hukbong pandagat ng Tsina. Tumagal ng halos isang oras ang nasabing parada. Kalahok dito ang mga puno ng delegasyon ng mga hukbong pandagat mula sa 61 bansa.
Nagparada ang 32 bapor-pandigma ng Tsina, at 18 vessel mula sa 13 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Rusya, Thailand, Biyetnam, India, Hapon, Bangladesh, Brunei, Timog Korea, Singapore, Australia, Malaysia at Myanmar.
Salin: Vera