Nakipagpalitan kamakailan ng liham si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mahigit 40 estudyante ng Niles North High School sa Illinois State, Amerika.
Sa kanilang liham sa wikang Tsino, tinanong ng mga estudyanteng Amerikano si Xi hinggil sa kanyang gawain, buhay, at mga libangan. Ikinuwento rin ng mga estudyante ang hinggil sa kanilang pag-aaral sa wikang Tsino, at ipinahayag ang pag-asang makakabisita sa Tsina.
Sa liham naman bilang sagot, ipinahayag ni Xi ang pasasalamat sa mga estudyanteng Amerikano at ang paghanga sa kanilang pag-ibig sa wika at kulturang Tsino. Ini-enkorahe niya ang mga estudyante na magtamo ng mas malaking progreso sa pag-aaral ng wikang Tsino at magbigay ng mas malaking ambag sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika. Sinagot din ni Xi ang mga tanong ng mga estudyante at isinalaysay ang hinggil sa kanyang gawain, buhay, at mga libangan.
Salin: Liu Kai