Kaugnay ng nilalaman ng Report on International Religious Freedom ng Kagawaran ng Estado ng Amerika at pananalita ni Michael Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika hinggil sa pagdungis sa patakarang panrelihiyon ng Tsina, sinabi kahapon, Lunes, ika-24 ng Hunyo 2019, sa Beijing, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga nilalaman at pananalita ay hindi ibinatay sa katotohanan at puno ng pagkiling na ideolohikal. Hinimok din aniya ng Tsina ang panig Amerikano na itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng mga pagbatikos sa isyu ng relihiyon, Xinjiang, at iba pa.
Sinabi rin ni Geng, na maliwanag ang mga patakarang pang-etniko at panrelihiyon ng Tsina, at pinangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang kalayaan sa pananampalataya ng mga mamamayan alinsunod sa batas. Dagdag niya, matatagpuan sa Xinjiang ang 24,400 moske, isang moske para sa 530 Muslim, at mayroong lubos na kalayaan sa pananampalataya ang mga mamamayan ng iba't ibang etniko sa Xinjiang.
Salin: Liu Kai