Itinaguyod ng Permanenteng Misyon ng Tsina sa United Nations at iba pang mga internasyonal na organisasyon ng Switzerland ang isang pulong na may temang "Mga Tagumpay ng Pag-unlad ng mga Karapatang Pantao sa Xinjiang" sa Palais des Nations sa Geneva noong Hulyo 3rd. Inimbitahan ang mga kinatawan ng Xinjiang Uygur Autonomous Region na dumalo sa pulong ng UN Human Rights Council at Permanent Representatives ng mga kasaping bansa na kamakailan ay bumisita sa Tsina at binisita ang Xinjiang upang ipaliwanag ang mga sitwasyon doon. Mahigit sa 160 diplomata, at opisyal ng internasyonal na organisasyon, media at mga non-governmental organization ang dumalo sa pulong. Pinuri ng mga sugo ang mga tagumpay ng pagpapaunlad ng Xinjiang at mga hakbang sa pangangalaga sa karapatang pantao, pati na rin ang mga resulta ng mga inisyatibang kontra at ekstrimismo.
Ani Chen Xu, Permanent Representative ng Tsina sa United Nations ang Xinjiang ay kasalukuyang nasa pinakamabilis at pinakamatatag na panahon ng pag-unlad sa buong kasaysayan. Sa nakaraang tatlong taon, walang naganap na insidente ng terorismo sa Xinjiang, at ang mga tagumpay ng pag-unlad ay malawak na pinuri. Tinatanggap ng Tsina ang mas maraming makatwirang tao na dumalaw sa Xinjiang.
Ang mga Permanenteng Kinatawan ng Algeria, Laos at Serbia sa Geneva ay nagbahagi ng kani-kanilang nakita at narinig sa Xinjiang, at sinabi na ang kasaganaan, kaunlaran, seguridad, katatagan, pagbubukas, pagkakaiba-iba, pagpapaubaya at katahimikan ng Xinjiang ay nagbigay ng malalim na impresyon sa kanila. Kapuri-puri ang mga nakamit sa bunga sa pagbawas ng kahirapan. Ang mga permanenteng kinatawan at senior diplomats mula sa Rusya, Nigeria, Hilagang Korea, Venezuela, Pilipinas, Eritrea, Burundi, Somalia, Nepal, Togo, Belarus, Pakistan, Cuba at iba pang mga bansa ay nagbigay din ng kanilang palagay tungkol sa pag-unlad ng Xinjiang, mga nakamit sa pagbawas ng kahirapan at mga resulta sa hakbang kontra at ekstrimismo. Ayon sa mga sugo na nakadalaw sa Xinjiang, ang naturang karanasan ay kapupulutan ng aral ng lahat ng mga bansa. Umaasa silang na lalo pang magbabahagi ang Tsina ng karanasan nito hinggil sa paglaban sa ekstrimismo sa ibang mga bansa.
Salin: George Guo