Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tumaas na puhunang dayuhan, boto ng kompisyansa sa pamilihang Tsino

(GMT+08:00) 2019-07-12 08:58:06       CRI

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas nitong Huwebes, Hulyo 11, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, umabot sa 478 bilyong yuan ( mga 70 bilyong U.S. dollars) ang aktuwal na ginamit na kapital na dayuhan ng bansa, at mas mataas ito ng 7.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Muling ipinakikita ng nasabing pagtaas ang tiwala ng mga mamumuhunang dayuhan sa pamilihan ng Tsina, sa kabila ng bumabagal na direktang puhunang dayuhan (FDI) sa buong mundo.

Batay sa nasabing ministring Tsino, ang puhunang dayuhan noong unang siyam na buwan ay may dalawang kapansin-pansing katangian. Una, ang puhunan ay tumungo sa gitna at mataas na bahagi ng value chain. Kabilang dito, tumaas ng 44.3% ang kapital na dayuhan na ginamit sa industriya ng hay-tek, at ito ay katumbas ng 28.8% ng kabuuang nagamit na kapital. Lumaki ng 13.4% ang puhunan sa hay-tek na manupaktura, samantalang umakyat ng 71.1% ang puhunan sa hay-tek na serbisyo. Ikalawa, nanatiling matatag ang pamumuhunan mula sa mga pangunahing bansa, na kinabibilangan ng Timog Korea na umakyat ng 63.8%, Hapon na lumaki ng 13.1%, Alemanya na umangat ng 81.3%, at Unyong Europeo na tumaas ng 22.5%.

Noong 2018, ang FDI sa buong mundo ay bumaba ng 13%, pero kinakitaan ang Tsina ng 4% na pagtaas. Ang patuloy na paglaki ng puhunang dayuhan nitong nagdaang unang hati ng taon ay muling nagpatunay kung gaano kaakit-akit ang pamilihang Tsino sa mga mamumuhunang pandaigdig. Ebidensya rin ito ng kakayahan ng pagpapanatili ng kasiglahan o resilience ng kabuhayang Tsino. Nitong nagdaang Hunyo, nagpasiya ang World Bank na panatilihin ang pagtaya nito sa paglaki ng kabuhayan ng Tsina para sa taong ito, dahil kayang matugunan ang mga hamong panlabas ng Tsina. Pero, ibinaba ng World Bank ang pagtaya sa paglaki ng pandaigdig na kabuhayan para sa taong 2019.

Habang nakararanas ang Tsina ng pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at pag-a-upgrade ng industriya, walang humpay na lumalakas ang kakayahan nito sa inobasyon. Ang naturang mga kondisyon, kasama ng bentahe ng bansa sa industrial supplay chains, ay nakahihikayat sa mga kompanyang dayuhan na palakawin ang kanilang pamumuhunan sa Tsina. Bukod dito, sa katatapos na G20 Osaka Summit, sa ngalan ng Tsina, ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ang limang bagong hakbangin para ibayo pang magbukas sa labas ang bansa. Sa kasalukuyan, nagsimula nang ipatupad ng Tsina ang nasabing pangako. Nakakatulong din itong palakasin ang kompiyansa ng mga mamumuhunang dayuhan sa Tsina. Halimbawa, ang mga multinasyonal na kompanya na gaya ng Tesla, Exxon Mobil, BASF, at LG ay nagpapalawak ng kani-kanilang puhunan sa Tsina. Samantala, kalat na kalat ang balita na balak ng Apple na ilipat sa Tsina ang produksyon ng bagong Mac Pro computer, na pangunahing binubuo sa Estados Unidos.

Ang bagong Mac Pro Apple na nakatanghal sa Apple Worldwide Developers Conference sa San Jose, California, Hunyo 3, 2019. Inulat ng Wall Street Journal na gagawin ang bagong Mac Pro sa Tsina. [Photo: IC]

Ang mga datos na isinapubliko ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ay muling nagpakita ng lakas ng kabuhayan ng Tsina. Ang pagpapalawak ng mga kompanyang dayuhan ng negosyo sa Tsina naman ay nagpapatunay na nakikita nila ang potensyal ng Tsina, sa proseso ng pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad at ibayo pang pagbubukas sa labas ng bansa, at handang handa silang makilahok sa pag-unlad ng Tsina.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>