|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Michael Pillsbury, China hawk ng Amerika, na hindi itinuturing na kaaway ng Amerika ang Tsina, pero buong sikap nitong hahadlangan ang paghalili ng Tsina sa Amerika bilang lider ng daigdig. Sinipi niya ang pagtaya ng ilang ekonomista na "sa taong 2049, magiging higit triple ang kabuhayan ng Tsina kumpara sa Amerika," at sinabi niyang sa panahong iyan, kokontrolin ng Tsina ang Amerika, at magsisilbing kolonya ng Tsina ang Amerika.
Batay sa pinakahuling pananalita ni Pillsbury, wala na sa kontrol ang kanyang paranonia. Sa kanyang aklat na "The 100-Year Marathon" noong 2015, sinabi ni Pillsbury na sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina sa 2049, hahalili ang Tsina sa Amerika bilang super power sa daigdig. Ang kanyang pananalita ay mas baligho dahil hindi lamang niya sinabi na hahalinhan ng Tsina ang Amerika, bilang lider ng daigdig, kundi, magiging kolonya rin ng Tsina ang Amerika. Ang ganitong pananalita ay dumudungis sa reputasyon ng Tsina, at lumilikha ng opinyong publiko laban sa Tsina.
Tulad ng ibang bansa sa daigdig, lehitimo ang target na hinahangad ng Tsina: pagsasakatuparan ng pagsasarili, unipikasyon at kabuuan ng bansa, paglikha ng masagana't maligayang pamumuhay para sa mga mamamayan, at paghahanap ng kaunlaran at kasaganaan ng kabuhaya't lipunan. Batay sa ganitong hangarin, sinimulan ng Tsina ang biyahe ng reporma at pagbubukas. Nitong nakalipas na 70 taon, halos 800 milyong mamamayang Tsino ang nai-ahon mula sa kahirapan, at nag-eenjoy ng may-kaginhawahang pamumuhay. Hindi intersado ang Tsina sa paghalili sa anumang bansa, at wala rin itong simbuyo na magsilbing pulis ng daigdig.
Nitong nakalipas na mahigit isang taon, isinagawa ng panig Amerikano ang iba't ibang paraan para hadlangan ang pag-unlad ng Tsina. Halimbawa, pagharap ng akusasyon sa mga problema ng Tsina sa mga larangang gaya ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), at paglilipat ng teknolohiya; pagdukot ng mataas na opisyal ng kompanyang Tsino, sa pamamagitan ng Kanada; pagmamanipula sa mga kompanyang Amerikano na itigil ang suplay sa Tsina; paghahadlang sa pamumuhunan ng Tsina at iba pa.
Pero, tiyak na mabibigo ang nasabing mga paraan. Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya at pinakamalaking bansa ng kalakalan ng paninda sa daigdig, hinding hindi mahahadlangan ng China hawk na tulad ni Pillsbury ang hakbang ng Tsina sa pag-unlad at paghahatid ng benepisyo sa daigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |