Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentrayo: Sino ang talagang mananakot at naninirang-puri sa iba sa daigdig

(GMT+08:00) 2019-07-25 16:05:48       CRI

Magkakasanib umanong ipinadala kamakailan ng mahigit isang daang American war hawks sa Tsina ang isang bukas na liham kay US President Donald Trump, kung saan, siniraang-puri nila ang Tsina kaugnay ng di-umano'y pagpapasulong ng "ekspansyonismo" at "paninirang-puri at pagtakot sa ibang bansa, sa pamamagitan ng komprehensibong kakayahang pang-estado." Talagang nakakatawa ang pananalitang ito. Ipinalalagay ng maraming kilalang personahe na kung ang Tsina ang gagawa ng liham hinggil sa Amerika, ito ay katotohanan.

Halimbawa, inihayag nila na "sa sistemang pulitikal ng Amerika, pangunahing bahagi ang pulitika habang at eksepsyon ang digmaan. Ngunit magkasalungat ito sa Tsina." Kakatuwa di ba? Ayon sa estadistika, nitong mahigit 200 taong nakalipas sapul nang maitatag ang estado noong 1776 hanggang ngayon, ginamit ng Amerika ang halos 90 poseryento ng oras nito sa giyera. Kahit sa huling taon ng termino ni dating US President Barack Obama na tinaguriang "Peace President," nagpaulan ng halos 260 libong bomba sa pitong bansa ang Amerika. Para sa Tsina, nitong 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang bagong Tsina, hindi pa proaktibong naglunsad ng anumang digmaan at sagupaan ang Tsina. Kaya, sino ba ang gumagawa ng "kaguluhan" sa daigdig?

Nitong ilang taong nakalipas, sa likod ng mga pangunahing krisis sa buong mundo, nakikita ang Amerika. Sa katwiran ng paglaban sa terorismo, inilunsad nito ang digmaan laban sa Afghanistan, Iraq, at Syria na ikinamatay ng napakaraming sibilyan. Ibinunsod din ng mga ito ang refugee crisis na kumakalat sa mga bansang Europeo. Makaraang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, pinag-ibayo pa nito ang pagpapasulong ng unilateralismo na nagpaigting ng tensyon sa situwasyon ng Gitnang Silangan. Ginagamit ng Amerika ang malakas na poder nito bilang sandata, siyang talagang pangunahing naninira sa kapayapaang pandaigdig at pinag-uugatan ng kaguluhang pandaigdig.

Ayon sa estadistika ng Stockholm International Peace Research Institute (SIPRI), noong isang taon, lumampas sa 640 bilyong dolyares ang nagamit na military expenditure ng Amerika, na nanguna sa buong daigdig. Ipinalabas kamakailan ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Pambansang Depensa sa Bagong Panahon" kung saan tinutukoy na "di kailanman naghahangad ng hegemonya, ekspansyon, at pagpapalakas ng sphere of influence" ang Tsina. Ito ay malinaw na katangian ng pambansang depensa ng Tsina sa bagong panahon. Halimbawa, noong 2017, 750 yuan lamang ang per capita defense expenditure ng Tsina na katumbas ng 5% lamang ng Amerika.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>