Katatapos lamang sa Shanghai, Tsina, ang bagong round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng kabuhayan at kalakalan, muling inilabas ng panig Amerikano ang banta sa aspekto ng taripa, at sinabi nitong simula unang araw ng darating na Setyembre ng taong ito, may balak na patawan ng karagdagang 10% taripa ang 300 bilyong Dolyares na panindang Tsino.
Noong nagdaang Hunyo sa Osaka, Hapon, isinagawa ng mga lider ng Tsina at Amerika ang pagtatagpo, kung saan ipinangako ng panig Amerikano na hindi patawan ng bagong karagdagang taripa ang mga panindang Tsino. Sa kasalukuyan, tumalikod ang panig Amerikano sa pangakong ito, at nagbantang dagdagan pa ang taripa sa mas maraming panindang Tsino.
Sa katotohanan, sapul nang maganap noong isang taon ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, tatlong beses nang tumalikod ang panig Amerikano sa mga pangako nito o komong palagay na narating ng dalawang panig. Ang kasalukuyang pangyayari ay muling nagpapatunay na ang Amerika ay di-mapagtitiwalaang negosyador. Kahit ilang beses na sinabi ng panig Amerikano, na umaasa itong mararating, kasama ng Tsina, ang komprehensibong kasunduan sa isyu ng kabuhayan at kalakalan, hindi nitong ipinakikita ang katapatan sa pagsasanggunian at hindi ring tumatalima sa mga pangako. Sa kalagayang ito, paanong magkakaroon ang dalawang panig ng pagkakasundo.
Sa mula't mula pa'y pinaninindigan ng panig Tsino, na ang alitang pangkalakalan ay malulutas lamang sa pamamagitan ng pagsasanggunian, sa halip na pagpataw ng mga karagdagang taripa. Samantala, hindi susuko ang Tsina sa anumang presyur at banta. Kung talagang ipapataw ng panig Amerikano ang bagong karagdagang taripa, isasagawa naman ng panig Tsino ang mga katugong hakbangin, para pangalagaan ang kapakanan ng bansa at mga mamamayan. Kung patuloy na tatalikod ang panig Amerikano sa mga pangako, hindi magkakaroon ng mabuting bunga ang pagsasanggunian ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai