|
||||||||
|
||
Lumitaw kamakailan sa U.S. treasury market ang abnormal na kalagayang kung saan mas mababa kaysa 2-taong bond yields ang 10-taong bond yields, at ito ay itinuturing na mahalagang signal ng resesyon ng kabuhayang Amerikano. Sa mga programa ng U.S. media nitong Linggo, Agosto 18, 2019, magkakasunod na pinabulaanan ng mga tagapayo ng White House ang pagtungo ng kabuhayang Amerikano sa resesyon. Pero, nagpapatunay ang pinakahuling ekonomikong datos at parami nang paraming tinig na tumututol sa pagpapataw ng karagdagang taripa sa loob ng bansa na lumalakas ang panganib ng resesyon ng kabuhayan ng Amerika.
Pangkaraniwa'y mas mataas ang tubo ng bonds kung mas mahaba ang panahong ipinamumuhunan ito. Kung bumaba ang kita ng long-term bond, posibleng maganap ang resesyon sa kabuhayan sa darating na 12 buwan. Nitong nakalipas na 50 taon, lumitaw ang ganitong penomenon bago ang bawat resesyon ng kabuhayan ng Amerika. Pagpasok ng kasalukuyang taon, ilang beses na lumitaw ang inbersyon ng bond yields, bagay na nakatawag ng pagkabahala ng mga mamumuhunan. Sinabi ni Nicholas Akins, Chief Executive ng American Electric Power, na "Parang nagsisimula na nating makita ang pang-aklat na bersyon ng kalagayan bago ang resesyon." Tinukoy naman ni Richard Bernstein, Tagapagtatag ng RB Advisors, investment firm ng Amerika, na posibleng mas grabe kaysa pagtaya ng mga tao ang pagbagal ng kabuhayang Amerikano.
Ipinakikita ng isang serye ng datos ekonomiko na nagsimula nang bumagal ang kabuhayan ng Amerika.
Noong unang kuwarter ng taong ito, 3.1% ang paglaki ng GDP ng Amerika, bumaba ito sa 2.1% noong ika-2 kuwarter, at 1.5% lamang ang pagtaya nito sa ika-3 kuwarter. 2.1% at 2.0% ang pagtaya sa paglago ng GDP ng Amerika sa taong 2019 at 2020, ayon sa pagkakasunod, at mas mababa ito kaysa bahagdan noong 2018 na 2.9%.
Ayon sa estadistika ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, noong unang hati ng taong ito, bumaba ng 0.2% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng paninda ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, bumaba ng 1% ang pagluluwas. Samantala, ipinakikita ng datos ng IHS Markit na pinakamababa ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng industriya ng pagyari ng Amerika sapul noong Setyembre ng 2009. Pumasok na sa panahon ng pinakagrabeng resesyon sapul noong 2009 ang industriya ng pagyari ng Amerika.
Sa ilalim ng ganitong kalagayan, kung ipapataw ng pamahalaan ni Donald Trump ang karagdagang taripa sa iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares, tiyak itong hahantong sa pagtaas ng presyo ng panindang Amerikano, at halos lahat ng mga kapital na dulot nito ay babayaran ng mga importador at mamimili ng Amerika.
Walang mananalo sa trade war. Dapat sundin ng ilang Amerikano ang pundamental na kalakaran ng kabuhayan, pakinggan ang tinig sa loob ng bansa laban sa pagpapataw ng karagdagang taripa, tumpak na pakitunguhan ang negatibong epekto ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa kabuhayan ng bansa, at bumalik sa tumpak na landas ng pagresolba sa mga problema.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |