Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Mga di-responsableng pahayag ng mga politikong Amerikano tungkol sa Hong Kong, dapat itigil na

(GMT+08:00) 2019-08-22 15:07:10       CRI
Sinabi kamakailan nina House Speaker Nancy Pelosi at Senador Marco Rubio ng Amerika na tatalakayin sa Kongreso ang tungkol sa pagpapatibay ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act. Ang pahayag na ito na itinuturing na lantarang pagkatig sa mga krimen ng mga marahas at radikal na protesdator sa Hong Kong at grabeng pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina ay mariing tinututulan ng panig Tsino.

Sa katotohanan, sina Pelosi at Rubio ay hindi tanging politikong Amerikanong sumusuporta sa mga marahas at radikal na protesdator sa Hong Kong. Inilabas minsan ng ilan pang mataas na opisyal ng Amerika, na gaya nina Pangalawang Pangulong Mike Pence, at Kalihim ng Estado Mike Pompeo, ang mga di-responsableng pahayag hinggil sa isyu ng Hong Kong. Direkta namang nakipagtagpo ang ilang opisyal ng Kagawaran ng Estado at ahente ng Central Intelligence Agency sa mga tauhang naninindigan ng "pagsasarili ng Hong Kong."

Sapul noong Hunyo ng taong ito, ginagawa ng mga radikal na protesdator sa Hong Kong ang mga marahas na aksyong kinabibilangan ng pag-atake sa mga pulis, mamamahayag, at turista, pagsalakay sa Legislative Council ng Hong Kong at Tanggapang Liasyon ng Pamahalaang Sentral sa Hong Kong, paghamak sa pambansang watawat at sagisag ng Tsina at sagisag ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, pagblokeyo sa transportasyong pampubliko at paliparan ng Hong Kong, at iba pa. Buong linaw, ang mga ito ay hindi kabilang sa mapayapang protesta, kundi ay kriminal na aksyong labag sa batas.

Kaugnay nito, sinabi ni Stefan Baron, beteranong mamamahayag na Aleman, sa kanyang komentaryo sa pahayagang Handelsblatt, na kung sa Amerika, matagal nang sinugpo ang ganitong kaguluhan.

Pero sa kasalukuyan, pinapawalang-bahala ng mga mataas na opisyal na Amerikano ang kalagayan sa Hong Kong, at binatikos nila ang pamahalaan at kapulisan ng Hong Kong sa pamamagitan ng pahayag na hindi nilang iginagalang ang pangangasiwa alinsunod sa batas, demokrasya at kalayaan. Ang mga pananalitang ito ay ganap na pagbabaligtad ng tama at mali, at nagpapakita ng double standard ng mga politikong Amerikano.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>