Ipinahayag kahapon ng panig Amerikano, na may ugnayan sa pagitan ng talastasang pangkalakalan ng Tsina at Amerika at isyu ng Hong Kong. Pero nauna rito, sinabi rin ng panig Amerikano, na ang Hong Kong ay bahagi ng Tsina, at ang isyu ng Hong Kong ay dapat sariling lutasin ng Tsina.
Ang naunang pahayag ay ginawa ng Amerika, sa panahong maganda ang pag-uusap ng mga negosyador na pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Ang pinakahuling pahayag ay ginawa naman, pagkaraang lumitaw ang bagong tensyon sa talastasan. Ang pagbabago sa posisyon ng panig Amerikano ay nagpapakitang hindi nito tunay na ikinababahala ang kalagayan sa Hong Kong, kundi ginagamit ang isyung ito bilang pitsa para magpataw ng presyur sa Tsina sa talastasan.
Ang isyu ng Hong Kong ay kabilang sa suliraning panloob ng Tsina. Alinsunod sa Konstitusyon at Saligang Batas, isinasagawa ng Tsina ang soberanya sa Hong Kong, at hindi dapat makialam dito ang anumang ibang puwersa. Ang pag-uugnayan ng isyu ng Hong Kong at talastasang pangkalakalan, para pilitin ang Tsina na gumawa ng konsesyon ay "one-side wish" lamang, at hindi maisasakatuparan.
May kakayahan ang Tsina na mabuting hawakan ang sariling mga suliraning panloob, mayroon din itong kakayahang harapin ang mga epektong dulot ng alitang pangkalakalan. Ang paghihiwalay ng isyu ng kalakalan at isyu ng pulitika ay tumpak na paraan ng Tsina at Amerika para isagawa ang talastasang pangkalakalan. Mabibigo ang paggamit ng isyu ng Hong Kong bilang pitsa sa talastasang ito.
Salin: Liu Kai