Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Patuloy na bumubuting kapaligirang pang-negosyo, bentahe ng Tsina sa pagpasok ng puhunang dayuhan

(GMT+08:00) 2019-10-18 15:37:58       CRI

Sa isang executive meeting ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, na ginanap nitong Miyerkules, Oktubre 16, nagpasiya ang pamahalaang Tsino na ibayo pang buksan sa labas ang pamilihan ng pinansya, securities, at auto industry ng bansa. Batay rito, ganap na aalisin ng Tsina ang lahat ng mga restriksyon sa saklaw ng negosyo ng mga bangko, securities company, at fund management firm na pinamumuhunanan ng dayuhan. Susuportahan din ang mga kompanyang dayuhan sa sarilinang pangongolekta ng mga pondo, pagpili at paggamit ng lupa.

Ang nasabing pinakahuling kapasiyahan ng pamahalaang Tsino ay isa pang konkretong hakbang para matupad ang pangako sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas. Layon nitong lutasin ang mga problemang kinakaharap ng mga kompanyang dayuhan sa Tsina, para makalikha ng matatag, pantay, transparent at maaasahang kapaligirang pang-negosyo.

Masasabing ang walang-humpay na pagsisikap ng Tsina para mapabuti ang kapaligirang pang-negosyo ay nagsisilbing bentahe nito sa pagpasok ng mga puhunang dayuhan. Ayon sa datos na ipinalabas nitong nagdaang Setyembre ng Minsitri ng Komersyo ng Tsina, noong unang walong buwan ng taong ito, umabot sa 27,704 ang bagong tatag na negosyong may puhunang dayuhan sa bansa. Kasabay nito, lumampas sa 600 bilyong yuan (84.81 bilyong U.S. dollars) ang nagamit na pondong dayuhan, na mas mataas ng 6.9% kumpara sa gayunding panahon ng 2018. Sa ulat na Doing Business 2020 ng World Bank, ang Tsina ay isa sa 20 ekonomiya ng daigdig na pinakamagaling sa pagpapaginhawa ng kapaligirang pang-negosyo.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>