Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Linggo, Pebrero 9, 2020, 3,062 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus pneumonia (NCP) sa mainland ng Tsina. Samantala, 4,008 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 632 ang gumaling, at 97 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, umabot na sa 40,171 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa mainland ng Tsina, at 23,589 ang pinaghihinalaang kaso. Samantala, 3,281 ang gumaling, at 908 ang namatay.
Salin: Vera