Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inclusive growth, magkakatotoo kung lalawak ang manufacturing sector sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-08-01 18:49:54       CRI

Inclusive growth, magkakatotoo kung lalawak ang manufacturing sector sa Pilipinas

MAGAGANAP lamang ang inclusive growth sa bansa kung higit na lalawak at sisigla ang manufacturing sector. Ito ang paniniwala ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na ibinahagi sa mga Tsinoy na mangangalakal mula sa Filipino-Chinese General Chamber of Commerce, Inc.

Magaganap lamang ito, ayon kay Ginoong Binay kung magkakaroon ng makabagong pagawaing-bayan na kailangan sa ika-21 siglo, partikular ang elektrisidad at mga sasakyan.

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng mga Tsinoy na mangangalakal sa Hotel Sofitel kagabi, sinabi niyang ang investments sa physical infrastructures ay makakabawi lamang kung magkakaroon ng mga pabrika na gagawa ng mga produktong maipagbibili sa ibang bansa.

Ikinatuwa niya ang mga talakayang naganap sa nakalipas na ilang buwan na natuon sa inclusive growth.

Hinamon niya ang mga kasapi ng samahan na mag-isip kung paano matatamo ng bansa ang taguring manufacturing hub sa pandaigdigang supply chain.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>