Manggagawang Pinoy, makakauwi na rin mula sa Syria
SASAILALIM sa repatriation ang may 44 na manggagawang Pilipino mula sa magulong bansa ng Syria. Nagaganap ito sa pagtutulungan ng mga Embahada ng Pilipinas sa Damascus at sa Beirut. Kaya na ng kanilang mga katawang makapaglakbay matapos suriin ng mga kinauukulan.
Inaalagaan na sila ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut upang makasakay pauwi ng Maynila sa pagdaan nila sa Dubai, United Arab Emirtas.
Darating sila sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Emirates Airlines flight EK 334 ngayong gabi. Sa pag-uwi ng 44, aabot na sa 4,471 ang natulungan ng pamahalaang makauwi sa Pilipinas.
1 2 3 4 5