|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Unibersidad ng Santo Tomas, may parangal para kay Pangulong Mandela
ISANG rolling exhibit ang sinimulan kahapon hanggang bukas sa University of Santo Tomas sa kanilang Tan Yan Kee Student Center lobby upang parangalan ang 1993 Nobel Peace Prize winner at dating pangulo ng South Africa Nelson Mandela.
Magaganap ito sa pakikipagtulungan sa United Nations Information Center sa Maynila at sa Embahada ng South Africa. Tema ng exhibition ang "Take action, Inspire change" na kasabay ng Nelson Mandela International Day na ipinagdiriwang sa bawat ika-18 ng Hulyo sa pamamagitan ng resolusyon ng United Nations General Assembly.
Sa mga dadalaw sa exhibit, hihilingan silang gumugol ng 67 minuto sa paglilingkod sa mamamayan sa pagpaparangal kay Nelson Mandela na naglingkod ng 67 taon sa sangkatauhan.
Bukas, panauhin si Fr. Herminio V. Dagohoy, rector ng UST at Ambassador Agnes Nyamande-Pitso ng South Africa. Lalahok ang Thomasian community at mga mag-aaral mula sa South Africa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |