Regional police director, nag-utos na bawasan ang bilang ng krimen sa nasasakupan
IPINAG-UTOS ni Police Chief Supt. Marcelo Garbo sa kanyang mga tauhang kumilos upang mabawasan ang street crimes ng may 50%. Inutusan niya ang lahat ng district directors na pagtuunan ng pansin ang street crimes lalo na sa limang pinakamaraming lugar ng krimen sa Metro Manila.
Ang mga ito ay ang Monumento sa Caloocan, Baclaran sa Pasay, University Belt sa Maynila, Kalentong sa Shaw Blvd., Mandaluyong City at EDSA-E. Rodriguez-Aurora Blvd., sa Quezon City.
Inatasan niya ang kanyang Regional Operations Division na magpakalat pa ng mga pulis sa mga kilalang pook na madalas maganap ang krimen. Kailangang makita ang mas maraming pulis, magsagawa ng anti-criminality operations at madaliang makatugon sa oras ng pangangailangan.
1 2 3 4 5