Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inclusive growth, magkakatotoo kung lalawak ang manufacturing sector sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-08-01 18:49:54       CRI

Talakayan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam, isinagawa

MATAGUMPAY ang ginawang pag-uusap nina Kalihim Albert F. Del Rosario at ng kanyang Vietnamese counterpart na si Foreign Minister Pham Binh Minh sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa Pasay City.

Sa isang panayam kay Kalihim del Rosario, sinabi niyang karaniwang ginagawa ito sa bawat dalawang taon at napag-usapan ang pagtutulungan sa larangan ng politika, kalakalan, turistmo at paglalagak ng kapital. Napag-usapan din ang defense at security cooperation kasama ng mga isyung kinabibilangan ng mga nagaganap sa mga karagatan, pagsasaka, agham at teknolohiya, edukasyon at maging sa enerhiya.

Nagkasundo umano sila sa pagbuo ng paninindigan upang isulong ang Declaration on Conduct of Parties at nakasama rin sa pinag-usapan ang pagtutulungan sa dispute settlement sa karanasang kinakaharap ng dalawang bansa. Isinusulong ng Vietnam ang payapang paglutas sa 'di pagkakaunawaan ayon sa international law at maging sa paraan ng arbitration. Magbabahaginan ng mga impormasyon at magaganap ito sa pagpupulong ng mga kalihim ng tanggulang pambansa na mangyayari sa mga susunod na ilang linggo.

Ayon kay G. del Rosario, darating umano ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Vietnam at makakausap ni Kalihim Voltaire Gazmin ng Pilipinas.

Sa katanungan kung susuporta ang Vietnam sa sinimulan ng Pilipinas, sinabi ni G. del Rosario na suportado ng Vietnam ang pagkilos na ito at pinag-uusapan pa kung paano makikipagtulungan sa bawat isa upang malutas ang sigalot.

Ipinaliwanag din ni Kalihim del Rosario ang paninindigan ng Vietnam tulad ng bilateral cooperation tungkol sa mga isyung pang-ekonomiya. Mayroon umanong hotline communication system sa pagitan ng dalawang bansa. Binaggit din niya na nagparamdam ang Tsina tungkol sa panukalang joint development sa mga likas na yamang nasa karagatan at masusing pinag-aaralan pa ng Vietnam ang panukalang ito.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>