|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Social Action Center ng Nueva Segovia, natuwa sa pagdalaw ni Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan
NAGPASALAMAT si Sister Lilian Carranza, Social Action Center Director ng Archdiocese of Nueva Segovia sa pagdalaw ni Kalihim Leila De Lima ng Kagawaran ng Katarungan sa Ilocos Sur noong nakalipas na Biyernes.
Isinama ng loob ng gobernador ng lalawigan, si Gobernador Ryan Singson ang hindi pagkakaroon ng koordinasyon sa kanyang tanggapan sa pagdalaw ng kalihim.

MGA ITIM NA BUHANGIN, BAHAGI NG KONTROBERSYA. Biglang dumalaw sa Ilocos Sur si Kalihim Liela B. De Lima ng Kagawaran ng Katarungan upang alamin ang katotohanan sa kontrobersyal na pagmimina ng itim na buhanging ipinagbibili sa ibang bansa. Kaduda-duda umano ang pagmimina ng ganito sa tindi ng pinsala sa kapaligiran. (Larawan ni Melo Acuna)
Ipinagtaka ng kalihim kung bakit walang sinuman sa mga punong bayan ang pumigil sa mapaminsalang pagmimina mula noong 2008. Nangako ang kalihim na sisiyasatin ng kanyang tanggapan ang pinakamaliit na detalyes sa black sand mining.
Ayon kay Sr. Lillian, kahit si Kalihim de Lima ay nagulat sa pinsalang dulot ng black sand mining na hawak umano ng mga opisyal ng pamahalaang lokal. Sa pagdalaw ni Kalihim de Lima, nagsabi siyang ipasisiyasat ang mga punong bayan ng Sta. Catalina, San Vicente at Caoayan dahilan sa kanilang pagpayad na magmina ng itim na buhanging ipinagbibili sa ibang bansa.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |