Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

LOVE ON THAT DAY

(GMT+08:00) 2013-09-03 10:18:17       CRI

Cast:

Mario Maurer

Ye Qing

Wu Yi

Philip Lau

Kan Qingzi

Gong Hanlin

Jin Zhu

Director: Zhu Shaoyu.

Sino ba si Maurio Maurer? Sa Pilipinas tinilian ang hearthrob at pinilihan ang kanyang pelikula. Di na kailangang itanong kasi maraming fans ang Thai-German actor na ito. May ginawa na syang pelikula, ang Suddenly It's Magic kasama si Erich Gonzales na ipinalabas noong 2012.

Edad 16 nagsimula sa showbiz si Mario Maurer bilang isang modelo. 2007 lumabas siya sa pelikulang The Love of Siam kung saan pinuri ng mga kritiko ang kanyang pagganap bilang bakla. Naging usap-usapan din ang kissing scene nila kasama ang co-star na si Witwisit Hirunwongkul.

Bida rin si Mario Maurer sa sleeper hit na First Love o A Little Thing Called Love. Bukod dito napanood din siya sa mega hit na horrror-comedy, ang Pee Pak Phra Khanong.

Ang Love on That Day ang unang pelikula ni Mario para sa mga Chinese fans nya. Ipinakita nya rito ang kaalaman nya sa Mandarin at ayon sa chikka, kahit sa set Mandarin din ang salita nya.

May malaking misteryo ang buhay ng bida sa pelikula. Kailangan niyang pumunta sa Tsina para hanapin ang sagot dito. At sa gitna ng kanyang paghahanap, natagpuan niya ang pag-ibig. Hindi kumplekado ang plot ng pelikula, gaya ng maraming mga love stories predictable ang storyline nito. At higit sa lahat ito ay may happy ending.

Muay Thai fighter ang papel ni Mario Maurer, dahil sobrang pogi at makinis, di siya kapanipaniwala sa role na ito. Pero sa mga eksena kung saan unti-unting nahuhulog ang loob nya sa love interest na ginampanan naman ni Ye Qing, walang tatalo sa kanyang malagkit na mga tingin at mega charming na ngiti. Forte ni Mario ang pagpapakilig sa mga fans.

Patok ang pelikulang ito sa mga kabataan. Tiyak titili ang mga bagets sa bawat close-up ng mga pogi at magagandang bida. Lahat sa pelikula ay maganda, sinuguro ng direktor na perfect ice candy ang Love On That Day.

Rating: Machelle at Andrea 8.5

Si Mario Maurer

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
love
v SAY YES 2013-08-13 18:40:51
v Love on Credit 2013-08-06 15:57:07
v TOGETHER 2013-07-30 16:24:09
v HAPPY TOGETHER 2013-07-17 17:27:45
v LOVE 2013-07-02 10:58:50
v SHADOWS OF LOVE 2013-06-26 18:55:26
v MACHI ACTION 2013-06-18 16:40:28
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>