Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino: kausap na ang mga ahensya ng pamahalaan hinggil sa Zamboanga

(GMT+08:00) 2013-09-20 12:23:04       CRI

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ng panayam si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa nakalipas na limang araw sa mga mamamahayag sa Zamboanga City.

Mahirap umanong unawain ang ginawa ni MNLF founding Chairman Nur Misuari sapagkat nagtawag siya ng "independence' samantalang nagsasabing tuloy ang peace process. Nagtipon ang mga kasapi at sumugod sa Zamboanga at ang sabi'y peaceful assembly. Sinubukan umano ni Misuari ang pamahalaan sa kanilang ginawang paglalakad ng may armas sa Zamboanga City at tinakot ang mga mamamayang nananahimik. Hindi umano magpapabaya ang pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Aquino, sangkot siya sa operasyon bilang commander-in-chief at bilang pangulo sapagkat sa pagtatapos ng lahat ay siya ang mananagot sa taongbayan. Regular umano ang briefing na ibinibigay sa kanya at nakausap na niya ang mga taga-Bangko Sentral ng Pilipinas upang matiyak ang daloy ng salapi. Kinausap na rin niya ang Department of Trade and Industry, Department of Transporation and Communications at Department of Agriculture upang matiyak ang sapat na pagkain hindi lamang para sa Zamboanga City kungdi sa Basilan, Sulu at Tawi-tawi na kilala sa pangalang BASULTA.

Hindi umano micro management ang kanyang ginagawa. May kaukulang assignment ang bawat opisyal ng pamahalaan sa paniniwalang may sapat na kakayahan silang tugunan ang kanilang mga responsibilidad.

Minabuti niyang magtungo sa Zamboanga noong Biyernes upang matiyak na tama ang impormasyong makakarating sa kanya at makapagbigay ng tamang desisyon.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino na kung payapang haharap ang MNLF Misuari faction sa pamahalaan ay payapa rin nilang haharapin ang mga ito.

Mayroon sanang nakatakdang pagpupulong sa Indonesia subalit hindi natuloy dahil nagkaroon ng labanan sa Zamboanga City. Idinagdag ni Pangulong Aquino na tumitibay ang ebidensya na sangkot si Miruari sa naganap sa Zamboanga.

Sa katanungan kung anong magagawa upang huwag nang maulit ang pananalakay ng mga MNLF na kaalyado ni Misuari, sinabi ni Pangulong Aquino na pagbubutihin pa ang intelligence service ng pamahalaan. Nabawasan na rin ang puwersa ni Misuari at ipinakita ng pamahalaan ang pagiging seryoso nito sa pagganap sa misyon nitong ipagtanggol ang mga mamamayan.

Bagama't walang bansang magsasabing may kakayahan silang pigilan ang terorismo, dinaragdagan na ng pamahalaan ang mga sundalo't pulis na magbabantay sa bansa.

Kung noong 1986 ay mayroong 250,000 mga kawal at pulis para sa mamamayang 50 milyon, ngayon ay 250,000 pa rin ang nagbabantay sa 95 milyon.

Tanong pa rin ni Pangulong Aquino ay kung paano nakapaghanda ng ganyan ang MNLF nang hindi napapansin? Maaari umanong may naka-alam subalit hindi nagbigay ng impormasyon sa mga kinauukulan.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>