|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos na ang mga Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng dalawang pamahalaan ang magiging implementing authorities sa panukalang framework agreement sa increased rotational presence ng mga kawal Americano at kagamitang mula sa America sa Pilipinas.
Ayon kay Undersecretary Pio Lorenzo Batino, sa ikatlong pagpupulong na ginawa sa US Department of Defense sa Pentagon sa Washington, DC, nagkasundo rin ang magkabilang panig na palitan ang working title ng kasunduan at gawing "Framework Agreement between the Philippines and the United States on Enhanced Cooperation and Rotational Presence."
Isa umano itong executive agreement, dagdag pa ni G. Batino.
Idinagdag pa niyang sa pamamagitan ng kasunduan, mapapalakas ng Pilipinas ang external defense, magkaroon ng pagsasanay at pagkadalubhasa sa sandatahang lakas at mapahusay ang pagtugon sa mga kalamidad ay saklaw pa rin ng 1951 Mutual Defense Treaty sa America at sa Visiting Forces Agreement na nilagdaan noong 1998.
Idinagdag pa ni Assistant Secretary Carlos Sorreta na sa pagpupulong, ipinagpatuloy ang talakayan sa mahahalagang bahagi ng panukalang kasunduan kabilang na ang itatagal nito, pagtatapos, pag-aari at paglalagay sa tamang pook ng mga kagamitan, supplies at mga instilasyon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |