|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
KUNG susuriing mabuti ang nilalaman sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagkabisa noong 1987, mayroong sapat at maliwanag na paraang magagamit upang mapanagot ang mga taong nasa katungkulan sa kanilang paghawak sa kaban ng bayan.
Ito ang sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno sa kanyang talumpati sa 3rd Integrity Summit sa Makati Shangri-La kaninang umaga.
Ang pinakamahalagang constitutional body na titiyak na ang pondong nailabas at nagastos ng ayon sa batas ay ang Commission on Audit. Ani Chief Justice Sereno, ang CoA ang may poder, autoridad at obligasyong suriin, pag-aralan at kwentahin ang lahat ng kinita at mga resibo at pinaggamitan ng pondo ng pamahalaan o ng mga ahensya at korporasyong pag-aari nito.
Kasama rin sa probisyon ng Saligang Batas ng taong 1987 ang isang espesyal na bahagi nagsasaad na ang mga dokumento at mga books of accounts ng Kongreso ang nararapat ingatan at maging bukas sa publliko ayon sa batas at sasailalim sa pagsusuri ng Commission on Audit na siyang maglalathala na mga pinagkagastusan ng bawat kasapi nito.
Obligasyon din ng Commission on Audit na gumawa ng mga alituntunin upang maiwasan ang mga hindi nararapat na pagkagastusan ng pamahalaan, magpatupad nmg mga hakbang upang ituwid ang mga kakulangan sa internal control system ng mga sinuring mga ahensya at kung kinakailangan ay maysagawa ng pre-audit. Nararapat din nilang suriin ang mga dokumentong nagmula sa ibang mga ahensya na may kinalaman sa government revenue collection operations.
Kabilang din sa obligasyon ng Commission on Audit ay ang pangungulekta ng mga pagkakautang na nararapat bayaran sa pamahalaan, magsiyasat at magtanong, at maglabas ng mga subpoena upang makakuha ng mga pahayag at magsumite ng mga dokumento.
Ayon kay Chief Justice Sereno, obligasyon ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa kanyang taimtim na pagpapatupad ng batas, na kumilos sa anumang report o pag-uulat mula sa Commission on Audit. Malawak ang poder ng pangulo ng bansa, dagdag pa ni Chief Justice Sereno. Maaari siyang mag-utos ng imbestigasyong administraibo sa anumang ahensyang saklang ng ehekutibo. Puede niyang balasahin ang kanyang mga tauhan at makagawa ng kailangang aksyon upang maipagtanggol ang ari-arian ng pamahalaan sa pagkakalustay.
Malaki rin ang papel ng Ombudsman sapagkat makagagawa sila ng pagsisiyasat kung nanaisin nila o base sa reklamo ng sinumang mamamayan, sa anumang ginawa o kapabayaan ng sinumang opisyal ng pamahalaan, kawani ng tanggapan o ahensya kung ang kabapayaang ito ay illegal, 'di makatarungan, 'di naayon o kulang. Makakapag-utos sila sa sinumang opisyal ng pamahalaan o kawani ng pamahalaan at maging sa alinmang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na may sariling alituntunin ayon sa itinatadahana ng batas o mapigilanm o maiwasan at maituwid ang anumang pag-abuso sa kanilang ginagampanang mga gawain.
Binigyang-diin ni Chief Justice Sereno na mahalaga ang papel ng Hudikatura sapagkat sila ang magdedesisyon kung may kasalanan ba o wala ang isang mamamayan. Maaari lamang itong gawin ayon sa Saligang Batas at sa batas na diumano'y nilabag at sapag-amin at bigat ng ebidensya na dinala sa hukuman.
Kung ito ay usaping sibil, sapat na ang "preponderance of evidence." Kung ito'y kasong criminal, kailangan itong mapatunayan "beyond reasonable doubt."
Na sa Saligang Batas din ang probisyong "Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives."
Ani Chief Justice Sereno, kailangang magkaroon din ng pagsusuri sa antas ng paglilingkod ng mga kawani ng pamahalaan kung mayroong Key Results Areas sa mga pribadong kumpanya. Nararapat ding magkaroon ng Key Performance Indicators sa mga kawani ng pamahalaan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |