|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
NAGPAPAGALING na ang ikatlong cardinal ng Pilipinas, si Cebu Archbishop Ricardo J. Cardinal Vidal, (ngayo'y 82 taong gulang) matapos magkaroon ng "mild stroke" bago ng tanghaling-tapat noong nakalipas na Martes, ika-17 ng Setyembre.
Ayon sa kanyang private secretary, Fr. Jojo de Aquino, nagkaroon ng "transient schemic attack o "mild stroke" ang dating Arsobispo ng Cebu. Isinugod siya sa Perpetual Succour Hospital na pag-aari ng St. Paul Chartes missionaries. Nakapanayam ng CBCP Online Radio si Fr. de Aquino mga ika-lima ng hapon ngayon.
Nakakapagsalita ang dating arsobispo ng Cebu noong dalhin sa pagamutan.
"Mabuti na ang kanyang lagay at nagpapagaling," dagdag pa ni Fr. de Aquino. Sasailalim pa siya sa ikalawang CT scan sa pagamutan. Na sa isang pribadong silid si Cardinal Vidal bagama't wala pang mga bisitang pinapayagang dumalaw.
Kanina ay nag-alay ng Misa ang mamamahayag at mga pari ng Cebu sa pangunguna ni Arsobispo Jose S. Palma para sa agarang paggaling ng cardinal.
Idinagdag pa ni Fr. de Aquino na nagpapasalamat si Cardinal Vidal sa mga nananalangin para sa kanyang agarang paggaling.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |