|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
ISINAILALIM sa lookout list ang 35 kataong ipinagsumbong sa Office of the Ombudsman hinggil sa P 10 bilyon pork barrel scam.
Ipinalabas na ni Immigration Chief Siegfred Mison ang immigration Lookout Bulletin Order ayon sa kautusan ni Justice Secretary Leila B. De Lima. Ang 35 katao ang ipinagsumbong ng National Bureau of Investigation sa Ombdusman noong Lunes, ika-16 ng Setyembre.
Hindi isinama sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla, Jr.
Ang hindi pagsasama sa kanila sa talaan ay bilang paggalang sa mga kasapi ng isa sa tatlong sangay ng pamahalaan.
Pinag-utusan ang mga immigration officers kung mayroong sinuman sa 35 katao ang magtatangkang lumabas ng bansa sa international airports at seaports at nararapat kaagad iparating sa Tanggapan ng Kalihim ng Katarungan at sa tanggapan ng Prosecutor General.
Hindi ito hold-departure order sapagkat layunin lamang nitong bigyan ng Alert ang mga ahensya na ang isa sa mga nakatala sa listahan ay nagtatangkang umalis ng bansa.
Lima sa 35 ang nakaalis na ng bansa. Sila ay sina dating mambabatas Rodolfo Plaza at Dennis Cunanan na umalis nitong Setyembre, Atty. Jessica Lucila Reyes at Ruby Tuason noong Agosto 2013, Richard Cambe noong Mayo 2012, at Mylene Encarnacion noong Mayo 2008.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |