Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang matatag na ekonomiya kung mahihirap ang mamamayan

(GMT+08:00) 2013-10-22 18:42:52       CRI

HINDI kailanman magiging matatag ang ekonomiya ng bansa kung mas maraming mamamayan ang mahihirap. Ito ang pananaw ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati hinging sa Philippine Development Plan 2011-2016 sa pagbubukas ng ika-39 na Philippine Business Congress kanina.

Ayon kay Ginoong Binay, ang katatagan ng ekonomiya ay nangangahulugan ng katatagan ng mga mamamayan at nangangahulugan ng pagbibigay ng lakas sa mga mamamayan upang magkaroon ng access at makinabang na rin sa paglago ng ekonomiya.

Binigyang-diin ni Pangalawang Pangulong Binay ang limang mahahalagang sandigan ng Philippine Development Plan, at ang mga ito'y ang paglaban sa katiwalian, pagbabawas ng kahirapan at pagbibigay ng poder sa mahihirap at madaling maapektuhan ng anumang krisis, madalian, malawakan at matagalang pag-unlag, makatarungan at pangmatagalang kapayapaan at paggalang sa batas at Integrity of the Environment and Climate Change Mitigation and Adaptation.

Nararapat lamang manatiling mapagbantay ang mga mamamayan laban sa anumang pagtatangkang dungisan ang pagpupunyagi ng mga kalalakiha't kababaihan sa pampubliko o pribadong sektor man. Aniya, ang bansa ay patuloy na uunlad kahit walang anumang political partisanship. Hindi rin ito magpaparusa sa mga pinaniniwalaang nagkasala ng walang paggalang sa proseso ng batas.

Kailangang matugunan at masugpo ang dalawang sanhi ng patuloy na paghihirap ng mga mamamayan tulad ng pagsusuri sa ugat ng kahirapan ng may 28% ng mga mamamayn o 26 na milyong Pilipino. Kabilang din dito ang pagwawakas sa kakulangan ng hanapbuhay sa likod ng maunlad na ekonomiya.

Wala umanong matuturan ang anumang economic upgrade kung walang sapat na makakain ang mga mamayan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Naghihintay ng paglilingkod ang lanao del Sur, Maguindanao, Apayao, at Eastern Samar upang madama ang katapatan ng pamahalaan.

Ipinaliwanag pa niya na ang K-to-12 program ng pamahalaan ang tutugon sa job mismatch sa pagitan ng pangangailangan ng mga mangangalakal ay kakayahan ng mga nagtapos ng kanilang pag-aaral.

Ang Philippine Business for Education ay isang kasunduan ng kalakal at akademya na sumusunod sa German Dual Technology model na nagbubukas ng may 100,000 paid apprenticeship positions sa mga nakapagtapos ng kanilang high school.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>