|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kagawaran ng Pagsasaka, umaasang magkakaroon ng 8.82 milyong metriko tonelada ng mais
UMAASA na naman ng isang malaking ani ang Kagawaran ng Pagsasaka ngayong 2013 at tinatayang aabot sa 8.82 milyong metriko tonelada kahit pa napinsala ang ilang maisan sa hilagang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala, mayroong dagdag na 10.8% sa ani noong 2012 na kinakitaan ng 7.4 milyong metriko tonelada at mas mataas ng 28% kaysa sa inani noong 2010.
Ani Kalihim Alcala, may 14 milyong Pilipino ang kumakain ng mais bagama't patuloy ang lumalago (ang ani) mula noong manungkulan ang pamahalaang Aquino.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Alcala na ang corn sufficiency level ay gumanda mula sa 83% noong 2010 at natamo ang 98% noong 2012. Baka umano matamo ang 105% sufficiency sa paglipas ng taon.
Sinabi naman ni PhilMaize president Roger Navarro na naghihintay sila ng pag-sang-ayon ng National food Authority Council sa kanilang application na makapag-export ng quality corn sa mga interesadong banyagang mamimili.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |