|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Paggasta ng pamahalaan sa infrastructure, tumaas ng 38%
BILANG tugon sa kautusan ni Pangulong Aquino na buhusan ng salapi ang mga pagawaing-bayan ng pamahalaan, ibinalita ng Department of Budget and Management ang mas malaking paggasta sa infrastructure at capital outlay sa pagtatapos ng Agosto at tumaas ito ng 38.5% percent kung ihahambing sa nakalipas na 2012.
Nagkaroon ng improvement sa paghahambing ng performance para sa nakalipas na dalawang taon sapagkat ang disbursements para sa Enero hanggang Agosto ay kinatagpuan ng dagdag na 12.6%, hamak na mas mataas kaysa average growth rate na nakita sa nakalipas na walong taon.
Sinabi ni Kalihim Florencio Abad ng Department of Budget and Management, maituturing itong strategic infrastructure invesments. Magugunitang target ng pamahalaan na matamo ang 5% ng Gross Domestic Product sa 2016 na magmumula sa infrastructure spending ng pamahalaan.
Umabot sa P 169.6 bilyon mula sa P 122.4 bilyon noong 2012 ang nag-ugat sa irrigation projects ng National Irrigation Administration na kinabibilangan ng Agno River project at ang Balog-Balog multi-purpose project.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |