|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kailangan ang maliwanag na plano bago maglabas ng salapi
ILALABAS ng Department of Budget and Management ang P 7 bilyon para sa Department of Public Works and Highways upang isaayos ang mga pagawaing bayan sa Bohol sa oras na matapos na ang work plan.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, ang paglalabas ng pondo para sa Bohol rehabilitation ay nangangailangan ng madaliang aksyon upang mabalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan. Ayon sa kalihim, ang Bohol ay dinadagsa ng mga turista at nakaapekto ang kawalan ng mga tulay at lansangan sa domestic at foreign tourists kung hindi matutugunan ang pangangailangan.
Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Coloma na maraming pagkukunan ng pondo para sa Bohol reconstruction. Tiniyak din niya na anumang disbursement ng pamahalaan para sa apektadong lalawigan ay nakabase sa batas.
Sa posibilidad na gamitin ang road users' tax, sinabi ni G. Coloma na naghihintay pa ang Palasyo ng update sa disbursements na ginagawa mula sa special fund. Magpapasalamat ang bansa sa alinmang bansang mag-aalok ng tulong sa pamahalaang Pilipino.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |