|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Arsobispo, nagbabala sa paggamit ng human stem cell
BINALAAN ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas ang mga taong gumagamit ng stem cell mula sa human embryos o aborted fetuses sapagkat ang ganitong kalakaran ang siyang nagsusulong na abortion.
Lumahok na si Arsobispo Villegas, incoming president ng CBCP sa debate hinggil sa kontrobersyal na paksa ng stem cell procedures na maaaring magdulot ng peligro sa kasagraduhan ng buhay ng tao.
Idinagdag pa ng arsobispo na ang stem cell research at therapies na gumagamit ng stem cell mula sa human embryos at aborted fetuses ay nararapat lamang tanggihan at ipagbawal. Ito ang kanyang talumpati sa harap ng Union of Catholic Physicians sa kanyang nasasakupan na humilong ng pastoral guidance sa paksa.
Hindi lamang ito morally objectionable, ito ay nangangahulugan ng pagpuksa sa isang nilalang upang iligtas ang isa pang nilalang.
Ipinaliwanag niyang na sa turo ng Simbahan na ang human embryo o fertilized ovum ay isang buong tao kahit pa na sa maituturing na "primitive form."
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |