Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Milyun-milyong mga Pinoy, dumagsa sa mga himlayan

(GMT+08:00) 2013-11-01 18:27:41       CRI

Milyun-milyong mga Pinoy, dumagsa sa mga himlayan

BUMUHOS ang milyun-milyong mga Katoliko sa Pilipinas sa iba't ibang himlayan sa buong bansa upang magbigay-galang at parangalan ang kanilang mga mahal sa buhay sa panahon ng Undas.

Kahit pa nanawagan ang Simbahang panatiliing solemne ang pagdiriwang, hindi naiwasan ang mala-karnabal na kapaligiran.

May mga himpilan ng telebisyon na nagpapagalingan sa "public service" na namimigay ng tubig na maiinom, hand sanitizer, ballers para sa mga bata, tunay na bulaklak sa mga senior citizens hanggang sa kandilang sisindihan sa pnntod ng mga kamag-anak at kaibigang yumao.

Naging mahigpit ang seguridad sa mga daungan at paliparan hanggang sa mga bus terminal sa paglalakbay ng mga Pilipino sa kanilang mga kinagisnan upang magbigay galang sa mga yumao.

Bukas, ang All Souls' Day ay magiging pagkakataon para sa hindi nakadalaw sa sementeryo ngayon. Kahit pa All Saints Day ngayon ay dagsa na ang mga tao sa mga sementeryo sapagkat bukas ay hindi na fiesta official.

Kahit pa solemne ang paggunita sa mga yumao, nangyayari na rin ang mga reunion sa ibabaw ng mga libingan sapagkat nagkikita-kita ang magkakamag-anak at magkakaibigan. Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sapagkat sa libingan din nagkikita ang dati nang magkaka-away kaya't nagkakaroon ng kaguluhan.

Mayroon ding nagdadala ng kanilang mga karaoke upang umawit hanggang sa mapagod. Sa mga mararangyang memorial park, mayroon namang mga mahjong ang mayayaman bukod sa masagana at masarap na mga pagkain.

Sa dami ng mga namayapa sa Metro Manila, mayroong mga libingan na maihahambing sa mga apartment, ang patong-patong na mga libingan, lalo na sa Manila North Cemetery o La Loma Cemetery sa hangganan ng Caloocan City at Maynila.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>