|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Clearing Operations matapos ang bagyong Vinta, sinimulan na
KAHIT pa nagdiriwang ng Undas ang buong bansa, ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa clearing operations ay pinakilos na upang maibsan ang problemang idinulot ng bagyong "Vinta" sa ilang bahagi ng hilagang Pilipinas.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang mga ahensya at mga tauhan ay tumutugon na sa mga pangangailangan. Magugunitang nakalabas na sa nasasakupan ng Pilipinas ang bagyo.
Kabilang sa mga ahensya ang Department of Public Works and Highways, Armed Forces of the Philippines at mga pamahalaang lokal na maglilinis ng mga lansangan sa bahagi ng Ilocos Norte.
Idinagdag pa ni Atty. Valte na wala pa namang nababalitang nasawi sa sama ng panahon. May 113 pamilya o halos 400 katao ang apektado ng bagyo sa dalawang bayan ng Region II na ngayo'y nasa Gonzaga People's Gym at sa legislative building ng bayan. Dinadaluhan sila ng kanilang pamahalaang lokal, dagdag pa ni Atty. Valte.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |