|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
ILO: may malulubhang nagaganap sa Pilipinas
MULA sa Geneva, Switzerland, ang Committee on Freedom of Association ay nanawagan sa punong lupon ng International Labour Organization sa mga nagaganap sa tatlong bansa sa Asia-Pacifico na kinabibilangan ng Pilipinas.
Ikinababahala ng Committee on Freedom of Association ang ilang mga sumbong at alegasyon na ginawa pa mula noong 2009 na nagbabawal ng magbuo ng mga samahan ang mga manggagawa at pamamalakad na kontra sa pagsasama-sama ng mga manggagawa sa loob ng economic zones, kabilang na ang pananakit, pananakot, panggigipit, paglalagay sa blacklist, criminalization at militarisasyon sa ilang mga bahay kalakal sa mga economic zones.
Bagaman at ilan sa mga usapin ang nalautas na, humiling ang International Labor Oganization sa Pamahalaan ng Pilipinas na patuloy na mag-ulat sa mga nagaganap ngayon.
Ipinagpasalamat din ng ILO ang pagpapahinto ng mga usaping kriminal laban sa mga opisyal ng mga manggagawa sa isang kumpanyang Hapones sa Pilipinas na saklaw ng Case No. 2652.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |