|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Undas Online, handa na naman sa mga prayer requests
BALIK na naman sa paglilingkod ang Undas website, handa na namang tumanggap ng mga kahilingan para sa panalangin mula sa mga Pilipinong nasa ibang bansa para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Na sa ikatlong taon na ang Undas Online, ang proyekto ng CBCP Media Office na nakatatanggap ng mga prayer requests mula sa overseas Filipino workers.
Ang mga Pilipinong hindi makadadalaw sa puntod ng mga mahae sa buhay ay makadadalaw sa www.undasonline.com na handang tumanggap ng prayer requests.
Kailangan lamang i-click ang "Prayer Request" button at itala ang mga pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay.
Sa kanilang Mass intentions, sinimulan na ang Misa kanina hanggang sa ika-walo ng Nobyembre sa CBCP Chapel sa Intramuros, Manila.
Naglalaman din ang website ng mga audio at video catechesis sa kahalagahan ng pagdiriwang ng All Saints' Day at All Souls' Day.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |