|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, nababahala sa kalagayan ni Joselito Zapanta sa Saudi Arabia
HUMINGI ng dagdag na panalangin si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay para kay Joselito Zapanta, isang Pilipinong nahatulan ng kamatayan sa pagpatay sa Saudi Arabia. Magugunitang hanggang ikatlong araw na lamang ng Nobyembre ang ibinigay na palugit upang makalikom ng blood money bilang kabayaran sa pamilya ng napaslang.
Ayon kay Ginoong Binay, 'di tulad ni Rodelio Lanuza, isang OFW na nakalaya mula sa tiyak na kamatayan, si Zapanta ay nasa mas mahirap na kalagayan sapagkat hindi sinagot ng hari ng Saudi Arabia ang kakulangan sa blood money.
Nahatulan si Zapanta dahilan sa pagpaslang sa isang taga-Sudan noong 2009. Mula sa SAR 4 milyon o P 45 milyon, nakalikom lamang ang kanyang pamilya ng higit sa kalahating milyong piso.
Ang blood money ni Lanuza ay SAR 3 milyon lamang at nakalikom ang Pamahalaan ng Pilipinas at kanyang pamilya ng halagang P 700,000. Sinagot pa ng hari ang nalalabing SAR 2.3 milyon.
Ayon kay Pangalawang Pangulong Binay, ginagawa na ng Embahada ng Pilipinas at Sudanese Embassy na mailigtas si Joselito. Umaasa siyang mabibigyan pa ng karagdagang extension si Zapanta.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |