|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Estratehiya upang maibsan ang panganib ng mga mamamayan, isinasaayos na
NAISUMITE na ni Kalihim Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang ilang mga panukala upang madali ang rehabilitasyon ng mga binagyong pook.
Sa isang pagpupulong ng gabinete sa Malacanang, ipinahayag ng NEDA ang mga prayoridad na nararapat bigyang pansin sa pinaka-madaling panahon. Ang mga ito ay ang pabahay, pagkakakitaan at pagbabalik ng mga pagawaing bayan upang mabalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan.
Ipinaliwanag ni Kalihim Balisacan na kung hindi bibigyang-pansin ang mga prayoridad na ito ay hindi makakaahon ang mahihirap na pamilya at mauuwi sa pagsasaling-lahi. Nanganganib din ang mga batang hindi magkaroon ng mga pasilidad sa larangan ng kalusugan at edukasyon.
Ayon kay Kalihim Balisacan, nahahati ang kanyang panukala sa immediate, short-term, medium-term at long-term programs.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |