Magpupulong ang mga nagbibili ng bigas at iba pang stakeholders bukas
PAMUMUNUAN ng Department of Agriculture bukas ang isang pulong na dadaluhan ng mga nagbibili ng bigas at iba pang mga sangkot sa industriyasa Philippine International Convention Center sa Pasay City upang pag-usapan ang kalagayan ng supply ng bigas at kung paano sila makatutulong na magkaroon ng rice self-sufficiency sa bansa.
Ang pagpupulong na ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga nasa industriya ng bigas. Tampok sa pagpupulong ang mga samahan ng mga iirigator at small water impounding system associations at NFA-Regional Farmers Action Council na aambag sa mga talakayan.
May mga kinatawan mula sa mga regional field offices ng Kagawaran ng Pagsasaka, mga ahensya at mga kawanihan, National food Authority at iba pa ang dadalo sa pulong.
1 2 3 4 5 6 7