Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Domestic economy, lumago ng 7% sa 3rd Quarter ng 2013

(GMT+08:00) 2013-11-28 19:43:27       CRI

Adopt-A-Parish, inilunsad

NAGSIMULA na ang isang palatuntunang naglalayong tumulong sa mga taga-Diocese of Borongan sa pamamagitan ng Adopt-A-Parish campaign na inilunsad kamakailan.

Ayon kay Msgr. Pedro C. Quitorio III, Media Director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mayroong website na may pangalang adoptaparish.org

May 18 mga simbahan ang lubhang napinsala ng napakalakas na bagyong "Yolanda" noong nakalipas na ika-walo ng Nobyembre.

Sa mensahe ni Bishop Crispin Varquez, kailangan ng nila ng pagkain, damit, gamot at magagamit sa pagtatayo ng mga tahanan. Kailangan din nilang ayusin ang mga daang-taong mga simbahang nasira. Tampok sa website ang mga larawan ng mga napinsalang mga simbahan.

Idinagdag ni Msgr. Quitorio na mayroong icon na "Donate" at mayroong kaukulang gabay upang makatulong ang mga taga-Eastern Samar at sa pagsasaayos ng mga simbahan. Mamimili ang mga nais magdonate kung ilalaan sa immediate relief o sa pagpapagawa ng simbahan at maidadaan sa PayPal.

Ipinaliwanag ni Msgr. Quitorio na napakahirap isiping maraming nasawi at nawalan ng kamag-anak at ari-arian dahilan sa napakalakas na bagyo subalit kailangang magkaroon ng acceptance o pagtanggap at simulang humayo at bumangong muli at magsimula.

Sa mga may kakayahang tumulong, makiisa sa mga kampanya upang matulungan ang mga naging biktima ng trahedya.


1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>