|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalahati ng mga biktimang manggagawa ay mula sa pribadong sektor
SA pagsusuri, nabatid na kalahati ng mga manggagawang apektado ng malakas na bagyo ay nagmula sa pribadong sektor. Base sa pag-aaral ng country office ng International Labour Organization, may 2.8 milyong manggagawa mula sa 5.6 milyonay pansamantala o hindi na magkakaroon pa ng hanapbuhay. May 1.8 milyon ang nasa pagsasaka at mayroon namang 15% ang nasa sektor ng industriya.
Ayon kay Lawrence Jeff Johnson ng ILO – Philippines, ang mga nasa service sector ay kinabibilangan ng mga nagtatrabaho sa mga tindahan, palengke, mga restaurant, tsuper ng tricycle at jeep, mekaniko, mga clerk at mga guro, na tulad ng mga mangingisda at magsasaka ay nawalan ng hanapbuhay.
Idinagdag pa ni G. Johnson na mayroong 2.4 milyong manggagawa ang nasa peligrosong kalagayan bago pa man dumating ang bagyong "Yolanda." Wala na silang tahanan, pagkakakitaan, naipon at walang malapitan upang sila'y matulungan.
Mayroong emergency employment ang Department of Labor and Employment at Social Welfare and Development at nakikipagtulungan na sa ILO at mga pamahalaang lokal.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |