Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Domestic economy, lumago ng 7% sa 3rd Quarter ng 2013

(GMT+08:00) 2013-11-28 19:43:27       CRI

Dalawang travel agencies, mangangalap ng manggagawang mula sa mga biktima ni "Yolanda"

DALAWANG ahensya ang tutulong sa mga biktima ni "Yolanda" sa pamamagitan ng pagre-recruit ng may 500 mga manggagawa patungong ibang bansa ng walang kaukulang gastos.

Ayon kay Kalihim Rosalinda D. Baldoz ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay, lumiham na sa kanya ang Skills International Co., Inc. at nag-alok na pansamantalang mangangalap ng 200 manggagawa mula sa mga binagyong pamilya ng walang anumang gastos.

Dumalaw pa ang pangulo ng kumpanya at nagdala pa ng relief goods para sa mga biktima. Makikipagtulungan ang recruitment agency sa Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay upang makatulong sa mga biktima.

Kukuha rin ng may 300 mga manggagawa ang Philippine Overseas Employment Administration lalo na't mula sa Samar at Leyte para sa kanilang kliyenteng nasa Kaharian ng Saudi Arabia. Ang kumpanya ay ang ISD na magpapadala ng mga tauhan sa Cebu City upang mag-recruit ng mga manggagawa sa Samar at Leyte na dadalhin din sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ang ISD ay mayroong pakikipagtulungan sa ABV Rock Group ang nangangailangan ng electrical supervisor, tiling foreman, civil engineering supervisor, finishing supervisor, assistant civil engineer, civil engineer, mechanical engineer, finishing marble works foreman, finish for doors, gypsum and ceiling foreman, assistant supervisor, finishing group assistant supervisor, finishing supervisor, general foreman, technician at welder.

Kukuha rin sila ng electrical foremen, mason block works at plastering foreman, masons, block works at plastering workers, tiling at finishing masons, marble fixers at installer masons, finishing carpenters for doors, gypsum and ceiling, shuttering carpenters, painters, steel fixers, scaffolders, scaffolding foremen at steel fixers.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>