|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga manggagamot na Tsino, nakagamot na ng may 5,000 mga pasyente
UMABOT na sa 5,000 mga nasalanta ni "Yolanda" ang nagamot ng mga duktor mula sa Tsina. Ito ang ibinalita ni Counsellor Sun Xiangyang sa maghapong symposium sa Ateneo de Manila University.
Nagdala sila ng 40 toneladang gamot at nagsagawa rin ng mga progama upang makaiwas ang mga mamamayan ng Tacloban sa epidemya. Nakatagpo ang mga tauhan ng Red Cross Society of China ng higit sa 50 labi ng mga nasawi sa bagyo.
May nakalaan pa ring 200 manufactured houses mula sa isang Chinese non-government organization para sa mga nasalanta. Sa oras umanong tumama ang trahedya, ang pinakamahalaga ay ang pagbabalik ng komunikasyon upang makarating ang tamang datos sa kinauukulan, pagkakaroon ng transportasyon at kuryente. Makikita umano ang larawan ng Tsina sa mga ito, tulad ng Huawei, mga tauhan ng Chinese grid corporation na kabalikat ng National Grid Corporation of the Philippines. Nakatulong din umano ang isang minahan na nakapaglinis ng mga lansangan mula sa Abuyog patungo sa Tacloban.
Bagama't aalis na ang dalawang grupo ng mga manggagamot mula sa Tsina, maiiwan ang Peace Ark hospital ship at maglilingkod pa rin sa mga biktima ng bagyo.
Ipinaliwanag ni Counsellor Sun na lalahok din ang Tsina sa rehabilitation programs ng pamahalaan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |