|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
China Radio International, naglilingkod bilang tulay sa pagitan ng mga bansa't kultura
MALAKI ang nagagawa ng China Radio International sa higit na pagkakaunawaan ng mga bansa. Ito ang binanggit ni Xian Jie, ang Director ng Filipino Service ng China Radio International sa idinaos na symposium sa Ateneo de Manila University kanina.

SYMPOSIUM ON PHILIPPINES - CHINA RELATIONS IDINAOS. Makikita sa larawan ang mga panauhing tagapagsalita sa pagtitipong itinaguyod ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS), Ateneo de Manila University Chinese Studies Program, University of the Philippines Asian Center, Confucius Institute ng Ateneo de Manila University at Kaisa Para sa Kaunlaran, Inc. Pinamumunuan ni Teresita Ang-See ang PACS. (Melo Acuna)

KAHALAGAHAN NG FILIPINO SERVICE NG CRI, BINIGYANG-PANSIN. Ipinaliwanag ni Xian Jie (kaliwa), Director ng CRI-Filipino Service ang mahalagang papel na ginagampanan nito sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina. (Melo Acuna)

TUMUTULONG ANG TSINA SA PILIPINAS. Binanggit ni Counsellor Sun Xiangyang ang mga nai-ambag ng Tsina sa trahedyang idinulot ni "Haiyan" noong isang buwan. Tutulong din ang Tsina at ang mga NGO nito sa rehabilitasyon, dagdag pa ng diplomata. (Melo Acuna)
Sa kanyang talumpati sa pagtitipong dinaluhan ng mga Pilipinong mag-aaral, mga propesor at mga diplomata mula sa iba't ibang bansa, inilarawan niya ang karaniwang ginagawa ng Filipino Section sa paghahatid ng mga balita at pagpapalitan ng mga karanasan ng mga Tsino at mga Pilipino. Isinusulong ng CRI-Filipino Service ang intercultural communication at pag-unawa, pakikipag-kaibigan sa mga palatuntunan nito.
Mayroon na ring Facebook Account ang CRI-Filipino Service at Weibo, ang Chinese version ng Twitter mula pa noong 2011. Tampok sa mga palatuntunan nito ang "Mga Pinoy sa Tsina" at "Tsina sa Aming Mata." Kwento ng mga programang ito ang ginagawa ng mga Pilipino sa Tsina, kanilang pagdalaw sa Tsina at mga karanasan samantalang naglalakbay o naghahanapbuhay.
May tatlong Pilipinong nasa Beijing na naglilingkod sa Filipino Service. Binigyang pansin din ang mga balitang nagmumula sa Pilipinas na bahagi ng web page ng CRI-Filipino Service.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |