Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan, nagbabala sa mga biktima ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2013-12-04 20:27:47       CRI

Mga turista mula sa Hong Kong, bumaba ang bilang

NAGKAROON ng kabawasan sa bilang ng mga turistang mula sa Hong Kong matapos maganap ang malagim na insidente noong ika-23 ng Agosto 2010 sa Luneta na ikinasawi ng walong turista.

Magugunitang mainit na paksa ang insidenteng ito na naging dahilan ng pagpapalitan ng maanghang na salita hanggang kamakailan. Ito ang sinabi BB. Narzalina Z. Lim, ng Asia Pacific Projects, Inc. sa idinaos Symposium on Philippines-China Relations: Building Opportunities in Times of Crisis sa Ateneo de Manila University kanina.

Ani Bb. Lim, kahit pa nagkaroon ng "black advisory" ang pamahalaan ng Hong Kong, nagpatuloy pa rin ang pagdalaw ng Hong Kong nationals sa Pilipinas. Sa ganitong pagkakataon, umabot sa higit sa 600,000 mga Pilipino ang dumalaw sa Hong Kong noong 2012. Napuna rin marahil ng mga autoridad sa Hong Kong na kabilang ang mga Pilipino sa pinakamalaking gumasta sa pagdalaw doon. Kahit mayroong black advisory, tuloy pa rin ang pagdating ng mga turista sa bansa.

Kahit umano magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pamahalaan, tuloy pa rin ang people-to-people exchanges. Nakita rin umano ng Hong Kong Tourism Board na sa ganda ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa, iisa-isangtabi na muna ang politika.

Naniniwala rin si Bb. Lim na tama ang datos tungkol sa tourist arrivals sa bansa sapagkat mula ito sa Department of Tourism na kumuha ng datos sa Bureau of Immigration. Makikita ang datos sa disembarkation cards na ibinibigay ng mga banyagang dumarating at umaalis sa Pilipinas.

Bagaman, lumabas ang problema na hindi maibigay ang datos tungkol sa mga banyagang napagitna sa trahedya noong nakalipas na buwan sapagkat walang standard operating procedures sa pag-uulat ng mga turistang nasa iba't ibang hotel.

Ibinahagi rin ni Bb. Lim ang karanasan ng Embahada ng España na naghahanap ng labing-apat na Spanish nationals matapos ang bagyong "Yolanda." Mabuti na lamang umano't natagpuang ligtas ang mga turista. Nararapat umanong mag-ulat ang mga hotel sa oras na sila'y magkaroon ng mga banyagang panauhin.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>