|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Simbahan, aktibong kalahok sa rehabilitasyon
MULA sa Cebu City, ang National Secretariat of Social Action, Justice and Peace ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ay nakausap ng mga kinatawan ng Caritas Internationalis at iba pang mga grupo upang isaayos ang kanilang pinag-isang tugon sa malawakang rehabilitasyon sa mga pook na apektado ng bagyong dumaan.
Ginawa ang pulong sa tahanan ng Arsobispo ng Cebu at pinag-usapan ang matagalang pagtulong sa mga napinsala at nabiktima tulad ng emergency preparedness at disaster risk reduction program na ilulunsad sa unang tatlong buwan ng 2014.
Binanggit ni Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng NASSA ang mga paraan ng pagtutulungan. Prayoridad ang mga ecclesial provinces ng Taytay (Palawan), San Jose de Antique, Arkediyosesis ng Jaro, Diyosesis ng Kalibo, Arkediyosesis ng Capiz, Arkediyosesis ng Cebu, Diyosesis ng Calbayog, Arkediyosesis ng Palo at Diyosesis ng Borongan.
Pinakinggan ni Bishop Broderick Pabillo, ang pinuno ng CBCP Public Affairs at kabilang sa mga bumubuo ng lupon ng National Secretariat of Social Action ang mga kinatawan ng iba't ibang pook at tinanong sa kanilang mga prayoridad.
Kasama sa pulong ang Catholic Relief Services, Social Action Diocesan Coordinating Council, Daughters of Charity, San Carlos Seminary, Caritas Manila at iba pang mga samahan.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng Caritas Internationalis sa Asia, France, Spain, Canada, Australia, Ireland, Korea, Switzerland, Germany at United Kingdom.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |