Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karagdagang salapi para sa mga binagyo, hiniling

(GMT+08:00) 2013-12-10 18:23:37       CRI

Karagdagang salapi para sa mga binagyo, hiniling

HINILING ng humanitarian partners kahapon ang Strategic Response Plan na nagkakahalaga ng US$ 791 milyon upang masabayan ang ginawa ng Pamahalaan ng Pilipinas para sa mga binagyo sa susunod na labing-dawalang buwan. Ilulunsad naman ng pamahalaan ang sariling Yolanda Recovery and Rehabilitation Plan sa Miyerkoles ng susunod na linggo. Hindi pa mabatid kung gaano ang ilalaan ng pamahalaan para sa programa.

Ayon sa pinakahuling pagtataya ng pamahalaan, apektado ni "Haiyan" ang may 14 na milyong katao na kinabibilangan ng may apat na milyong nawalan ng tahanan. Higit na rin sa 4.1 milyon ang nabigyan ng pagkain kabilang na 1.15 milyong tumanggap ng ayuda mula sa iba pang kabalikat tulad ng World Food Programme at Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa Migration Outflow Desks, may 500 katao ang umaalis sa Guiuan, Eastern Samar sa bawat araw. Binabantayan din ang mga paliparan at daungan ng mga lubhang apektadong pook upang maiwasan ang child trafficking.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>