US Secretary of State Kerry, dadalaw sa Pilipinas
SA halip na sa 2014 siya dadalaw sa Pilipinas, darating si US Secretary of State John Kerry sa susunod na linggo at makakausap ang mga nangungunang pinuno ng Pilipinas sa mga isyung may kinalaman sa ekonomiya, seguridad at people-to-people relations.
Nakatakda rin siyang dumalaw sa Tacloban upang saksihan ang nagaganap na recovery efforts at pag-usapan ang mga paraan kung paano makapagpapatuloy na umambag ang Estados Unidos sa relief at reconstruction work.
1 2 3 4 5 6