Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karagdagang salapi para sa mga binagyo, hiniling

(GMT+08:00) 2013-12-10 18:23:37       CRI

Mga problema sa pagtatayuan ng tahanan, umusbong

TINDI NI "YOLANDA" KITANG-KITA. Wala halos masilungan ang pamilyang mula sa Hernani, Eastern Samar kaya't nasa ilalim na lamang sila ng tarpaulin. Maaaring magtagal ang pagtatayo nila ng tahanan. (Roy Lagarde)

MANGILAN-NGILANG TAHANAN ANG NATIRANG NAKATAYO. Ito ang isa sa mga larawang kuha sa Basey, Western Samar na tinamaan din ng bangis ni "Yolanda" noong isang buwan. (Roy Lagarde)

NIYOG AT TAHANAN, APEKTADO NG BAGYO. Nakapaglaba na ang isa sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" sa Barangay San Jose, Tacloban City. HIndi biro ang pinsalang idinulot ng bagyo sa may 14 na milyong Pilipino sapagkat higit sa apat na milyon ang nawalan ng tahanan. (Roy Lagarde)

NAHAHARAP sa walang katiyakang kinabukasan ang karamihan sa mga nawalan ng tahanan dala ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na buwan. Ayon sa United Nations, may mga nawalan ng tahanang 'di na makababalik pa sa kanilang dating tinitirhan dahilan sa hindi naman kanila ang lupang kinatitirikan ng tahanan at ang pagpapatupad ng no-build zone.

Ang itinuturing na Housing Land and Property issues ay ikinababahala na rin ng marami kaya't kailangang malutas kaagad sa ngalan ng mga apektado ni "Yolanda" na kinabibilangan ng mga taal na may-ari ng lupain at mga tinaguriang informal settlers.

Mayroong no-build zone na itinakda ang pamahalaan ayon sa Water Code na nagmukungkahing magkaroon ng 40-metrong buffer (no-build) zone mula sa kinakikitaan ng high tide mark. Ang desisyon kung ipatutupad ito ay nasa balikat ng mga pamahalaang-lokal. Nararapat pag-aralan ang epekto nito sa relocation at resettlement ng mga pamilya. Kasama rin sa nararapat pag-aralan ang pagkakaroon ng bunkhouses bilang pansamantalang tugon. Nagsimula na ang pagtatayo ng bunkhouses na inaasahang aabot sa 375 pagsapit ng Pasko.

Dapat magtulungan ang pamahalaan at shelter partners upang maiwasan ang pagkakaroon ng pagpapalipat-lipat at pagtanggi ng evacuees sa mga panukalang solusyon.

Samantala, nag-utos si Vice President Jejomar C. Binay na pagbalik-aralan ang Comprehensive Land Use Plans ng iba't ibang pamahalaang-lokal na naapektuhan ni "Yolanda."

Ito ang kanyang kautusan bago umalis patungong South Africa kagabi upang dumalo sa libing ni dating South African President Nelson Mandela.

Ani G. Binay, nakausap na nila si Mayor Romualdez at balak nilang kausaping mula kasama ang city planning officer upang matiyak na maayos ang gagawing revision.

Isasama nila sa pagususuri ang epekto ng Climate Change at pagpapatupad ng risk reduction measures. Sa tinamong pinsala ng bansa sa nakalipas na mga kalamidad, nararapat matiyak na sapat ang gagawing mitigation at adaptation programs sapagkat nakataya ang buhay ng tao.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>