|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Exports lumago ng 14%, ayon sa NEDA
ANG magandang bentahan ng mga produktong gawa sa Pilipinas, mga mineral, mga produktong mula sa kagubatan ang nagpa-angat sa merchandise export growth at umabot sa 14.0% noong Oktubre 2013 mula sa 6.1% na natamo noong Oktubre ng 2012.
Ayon sa National Economic and Development Authority ang positibing paglawak ng emports mula noong Hunyo 2013 ang naghatid sa cumulative year-on-year growth sa positibong katayuan.
Sinabi ni Director General Arsenio M. Balisacan ang paglagong ito ang ikalawang double digit expansion para sa taon sapagkat naitala ang pinakahuling naitala ay 20.2% year-on-year noong Agosto 2013.
Mula noong Enero hanggang Oktubre ng 2013, lumago ang exports mula sa US$ 44.5 bilyon at natamo ang US$ 45.1 kamakailan.
Ang magandang bentahan ng electronic data processing (197.9%), automatic electronics (72.3%), consumer electronics (55.9%), office equipment (15.4%), at communication/radar (52.1%) ang nagpatibay ng growth rate noong nakalipas na Oktubre.
Kasunod ng Japan ang Estados Unidos na mayroong 14.2%, Tsina 12.8%, Singapore 8.5% and Hong Kong 7.7%.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |